Saturday, November 27, 2010

magalaw at masarap!




Paano nga ba lutuin ito? Una, tulad ng isang karaniwang isda, linisin ito pero hindi kaliskisan. Hindi ko na ipapaliwanag kung paano ito linilinisan. ilulutuan ko nalang kayo. Pangalawa, hiwain ito ng pira-piraso upang mas mabilis itong maluto at para na din mahusay ang pagkakaluto ng looban nito at masyado rin kase itong mahaba. Ayan, dapat ihanda na ang mga sangkap. Lagyan ito ng tubig na tama lang para sa sukat ng kasiling nailagay, katulad lang yan ng paglalagay ng tubig sa pancit canton (meganon?). Tantya lang. Lagyan na ito ng bawang at Luya. Sunod, antayin na itong kumulo hanggang sa ito ay lumambot (oh diba parang pancit canton?) kapag sa tingin mo ay malapit na itong maluto, lagyan na ito ng asin at kalamansi. Tapos, tapos na.

Hindi lamang ito masarap.Marami pa itong health benefits. Kaya panalo talaga. Ang kalisi ay hindi nagtataglay ng asukal at ito ay mababa sa sodium at mataas sa Phosphorus. Napakayaman nito sa Vitamin A, B1, B2, B12, D & E, na kailangan para sa pangkalahatang kalusugan ng ating katawan. Nagmamay-ari ito ng substansiya na pinakamainam para sa pagrerejuvinate ng ating katawan tuwing summer. Nagpapakaunti ito ng kolesterol, nakakapagpababa ng blood pressure, at  nakakabawas sa panganib ng pagkakaroon ngarthritis. Nagtataguyod ito ng mapagmasid na paningin o good eyesight, normal o karaniwang brain development at nervous system function. Batay sa masusing pagsasaliksik, ang kasili ay mahalaga sa pagbabawas ng tsansang magtaglay ng type-2 diabetes. Sapagkat ito ay mataas sa paglalaman ng omega-3, ang mataas na pag in-take ng kasili (anumang luto) ay nakakapagpabagal ng pagdevelop ng diabetes in glucose intolerant individual. Bilang pagpapatunay maaari niyo itong i-search sa www.google.com (health benefits of eel). http://lifestyle.iloveindia.com/lounge/health-benefits-of-eel-7423.html

Ngunit, pana-panahon lang ang pagkakaroon ng kasili. Ngayon nga ay kapanahunan nito sa aming probinsiya. Sana lang ay may maabutan pa ako sa aking pag-uwi sa Disyembre. :) Ang sarap sarap kaya kasee! Try mo
!

11 comments:

  1. hwow! exotic. mukhang masarap.. enge naman :)))

    ReplyDelete
  2. okay ah:) eel:) parang yummy nga yan:)gusto din matry yan soon!:)

    ReplyDelete
  3. hindi ko pa natitikman ang putahe na iyo. nais kong matikman ito as soon as possible. :)

    ReplyDelete
  4. ayos lang naman organization. bawasan lang yung mga paarte na phrase. nakaka capture naman ng reader,nakuha rin yung aim na mag inform.

    ReplyDelete
  5. Natry ko na 'to!! mazarap siya fifoll!!

    ReplyDelete
  6. pag luto na parang hindi nmn mukhang eel, wag lng sabihin ung pangalan hehehe gusto ko matikman :)

    ReplyDelete
  7. haha..tinanong ko kay mama yung IGAT..masarap daw...di ko pa natry..
    nice..exotic

    ReplyDelete
  8. nakatikim na rin ako nitong Eel pro iba ung luto at may kasamang Jellyfish.. Sarap Sarap! :D

    ReplyDelete
  9. Parang masarap! Patikim naman niyan Kesh, magdala ka! :D

    ReplyDelete